EROPLANO NG PAF BUMAGSAK SA BATAAN

EROPLANO NG PAF BUMAGSAK SA BATAAN

Ni Arwen Pascua

Larawan kortesiya ng Punto Central Luzon

MANILA — Isang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) ang napaulat na bumagsak sa Pilar, Bataan umaga ng Miyerkules (25 Janaury 2023).

Sa ulat ng Pilar municipal police station na nakarating sa Camp Crame, nakatanggap sila ng tawag alas-10:40 ng umaga tungkol sa pagbagsak ng isang eroplano sa Sitio Tabon, Brgy. Del Rosario, Pilar, Bataan.

Sa pagresponde ng mga pulis, natagpuan sa crash site ang isang eroplano ng PAF na may numerong “29”, kasama ang dalawang piloto na nasa loob ng cockpit.

Kinilala sa spot report ang mga piloto na sina Captain Ian Gerru C Paulo at John Paulo O. Aviso.

Ayon sa ulat ng lokal na dyaryong Punto Central Luzon, parehong patay ang pilot nang matagpuan.

Base sa salaysay ng mga testigo, nakita nila ang mabilis na pagbaba ng eroplano sa sakahan, bago ito nag-crash.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply