Pananagutan ng recruiter ng napatay na OFW sa Kuwait sinisiyasat ng DMW

Pananagutan ng recruiter ng napatay na OFW sa Kuwait sinisiyasat ng DMW

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules na tinitingnan nila ang posibleng pananagutan ng recruitment agency ng 35-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na natagpuang patay sa Kuwait.

Sinabi ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac na sinusuri ng departamento kung maayos na namonitor ng ahensya ang biktimang si Julleebee Ranara kasunod ng kanyang pag-deploy sa Kuwait.

“‘Yan ay tinitignan din ngayon ni Undersecretary Bernard Olalia [Undersecretary Bernard Olalia is now looking into that],” ani Cacdac.

“Ang isang nakikita ko ngayon dito, una ‘yung kanilang pag-monitor. Kasi under the DMW rules, dapat merong monitoring at regular reporting ng kalagayan ng isang OFW lalo na yung mga OFW kasambahay sa kalagayan nila sa abroad,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Cacdac na walang record na si Ranara o ang kanyang recruiter ay nag-ulat ng anumang mga isyu sa kanyang employer sa mga awtoridad.

Natagpuang sunog ang bangkay ni Ranara sa gitna ng disyerto noong Linggo.

Siya ay iniulat na ginahasa at nabuntis ng suspek, na 17-anyos na anak ng kanyang amo.

Dalawang beses din umanong binugbog at nasagasaan ng kotse ng suspek ang biktima.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply