Grade 6 pupil nabaril ang sarili sa CR ng kanyang school

Grade 6 pupil nabaril ang sarili sa CR ng kanyang school

Ni Nice Celario

Imahe ng isang P. Beretta gun (Photo courtesy ng Tactical Life)

MANILA — Iniimbestigahan na ngayon ng opisina ng Police Regional Office-3 ang pagpuslit ng isang Grade 6 pupil na lalaki sa baril ng kanyang amang pulis na naging sanhi ng malagim na aksidente sa San Jose Del Monte City sa Bulacan, Enero 26, 2023,

Sa ulat na nakarating mula sa San Jose del Monte City Police, kritikal ang biktimang si alyas Addy, 12-anyos, nang aksidenteng mabaril ang kanyang sarili sa loob ng palikuran ng Benito Nieto Elementary School, Barangay Muzon dakong alas-5:40 ng umaga.

Batay sa Criminal Investigation and Detection Unit ng PRO3, ipinuslit ng biktima na nakatira sa North Fairway Homes, Brgy. Muzon ang baril na P. Beretta, na service firearm ng kanyang amang pulis saka dinala sa pinapasukang paaralan.

Dahil maaga pa, naglaro umano ang bata sa loob ng palikuran subalit aksidenteng nakalabit ang trigger ng baril at tumama ang bala sa kanyang baba at tumagos sa kanyang ilong.

Agad isinugod ng mga guro ang bata sa Kairos Hospital subalit inilipat din sa Skyline Hospital.

Nabatid na sa Camp Crame naka-assign ang ama ng biktima na may ranggong Police Executive Master Sergeant. (Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply