Manila’s Finest pinaalalahanan ni MPD Director Dizon na ingatang mabuti ang kanilang service firearms

Manila’s Finest pinaalalahanan ni MPD Director Dizon na ingatang mabuti ang kanilang service firearms

Ni Benjie Cuaresma

(Interaksyon photo courtesy)

MANILA — Mariing pinaalalahanan ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Andre Dizon ang mga tauhan ng Manila’s Finest na panatilihing ligtas at nakatago ng maayos ang kanilang mga service firearms upang hindi maabot, makita at makuha ng kanilang mga anak.

Ang panawagang ito ni Gen. Dizon ay bunsod ng malagim na nangyaring insidente kung saan nasawi ang isang 12-anyos na Grade 6 pupil nitong Huwebes sa loob ng banyo ng kanilang paaralan sa San Jose, Del Monte Bulacan.

Bagama’t nadala agad sa ospital ang biktima ay binawian din ito ng buhay makalipas ang anim na oras matapos maaksidente niyang maiputok sa sarili ang dala-dalang niyang baril ng kanyang ama na isang pulis.

Ayon pa kay Gen. Dizon sa pagdalaw nito sa Balitaan sa Tinapayan, ang mahigpit niyang paalala ay hindi lamang sa MPD personel kundi sa lahat ng may-ari ng baril.

Aniya, sa panahon ngayon, iba na ang pag-iisip ng mga kabataan lalo na na’t nauso na ang mga bayolenteng mobile games kung saan marami sa kanila ang nahuhumaling sa ganitong laro.

Giit pa ni Dizon, maiging tutukan rin ng mga magulang o guardian ang kanilang mga anak at maiging magkaroon sila ng oras para makausap ang mga ito.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply