Ilang kalsada sa Pasig, QC sarado ngayong Linggo para kumpunihin — MMDA

Ilang kalsada sa Pasig, QC sarado ngayong Linggo para kumpunihin — MMDA

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Ilang kalsada sa Pasig at Quezon City ang sarado ngayong weekend para sa reblocking at repairs, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Sabado.

Sa isang advisory, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kanilang ire-reblock at aayusin ang mga sumusunod na kalsada sa Pasig mula Enero 27 hanggang 30:

C-5 Service Road sa Pasig Boulevard Barangay Bagong llog malapit sa Rizal Medical Center; at
Julia Vargas corner Lanuza Ave., Brgy. Ugong malapit sa Valle Verde 5, Pasig City.

Papalitan ng DPWH ang isang sewage pipe sa lugar sa panahon ng pagsasara.

Sa Quezon City naman, ang mga apektadong ruta ay:

Cloverleaf (Chainage 000-Chainage 234) patungong North Luzon Expressway (NLEX); at
EDSA Southbound (Balingasa Creek patungong OliverosFootbridge) Quezon City.
(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply