8 naospital matapos makalanghap ng tumagas na chlorine sa Malabon

8 naospital matapos makalanghap ng tumagas na chlorine sa Malabon

Pananakit ng ulo at pagsusuka ang inabot ng walong indibidwal kabilang ang limang (5) bata at tatlong (3) nasa hustong gulang matapos na makalanghap ng tumagas na chlorine sa kanilang barangay ngunit hindi pa natukoy kung saan nag-mula ang leak.

Dahil dito, napasugod ang ina ng lungsod na si Malabon Mayor Jeannie Sandoval kasama ang iba’t-ibang opisyal ng lokal na pamahalaan, upang alamin at kumustahin ang kalagayan ng mga residente na malapit sa pinangyarihan ng
cholorine leak ayon sa Bureau of Fire Protection sa Barangay Tinajeros
ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan nang nagpapagaling ang mga biktima sa Malabon City Hospital at iniimbistigahan ng mga kinauukulan kung saan nagmula ang chlorine leak.

(Benjamin Cuaresma/Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply