Ni Benji Cuaresma
MANILA — Madaling araw pa lang tuwing araw ng Linggo ay makikita nang nakapuwesto ang mga breeder ng iba’t ibang klaseng hayop, gayundin ang mga mamimiling customers na mahihilig mag-alaga nito sa lugar na ito sa harap ng Grotto ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Naging tanyag na ang naturang lugar na bilihan ng sari-saring alaga o pets. Karamihan dito ay mga tuta na may iba’t ibang breed, mga pusa, ibon, manok, pabo at mga itik.
Ang mga hayop na mabibili dito lalo na yaong mga aso at pusa ay mga kaukulang papel na nagpapatunay na ang mga ito ay pure breed at kumpleto sa bakuna, na nagpapataas ng kanilang presyo na umaabot mula P20,000 pataas, depende rin sa kanilang kasarian.
Dahil naging tanyag na ang lugar, halos magkakakilala na rin ang mga breeders dito na ang iba naman ay libangan lang ang pag-breed ng mga ibinebenta nila.
Ayon kay Mac na seasonal breeder at isang seaman, masaya silang mag-asawa na nag-umpisa lamang sa libangan ang pag-breed nila ng mga aso.
Kung minsan naman namimili sila ng maramihan sa ibang breeders at dito nila ibinebenta at papatong lang ng kaunting tubo.
“Masaya naman ako at kahit wala ako sa barko ay tuloy-tuloy ang kinikita ko,” paglalahad ni Mac.
Makikita sa larawan at video ang mga naggagandahang hayop na may mga kaukulang papeles na nagpapatunay na ang mga ito ay pure breed at kumpleto sa bakuna.
(Amado Inigo/MTVN)