“Dead on the spot” ang isang lalaki (nasa larawan) matapos na masagasaan ng rumaragasang tren sa Tondo, Maynila, dakong alas-11:15 ng umaga nitong Miyerkules (February 1, 2023).
Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng nakuhang wallet mula sa kanya na isang nagngangalang Deus Simbol Y. Sarmiento, nakatira sa 311-A Lallana St. Tondo, Maynila.
Ayon sa saksi na si Gemma Canillas, tumawid muna ang biktima at naupo sa isang malaking bato na malapit lamang sa riles kung kaya nadagit ito ng rumaragasang southbound tren na may body number na INKA-8104 na nagresulta sa malagim na disgrasya.
(Benjamin Cuaresma/Amado Inigo/MTVN)