Malabon City tumanggap ng karangalan sa ‘giyera’ vs droga

Malabon City tumanggap ng karangalan sa ‘giyera’ vs droga

MANILA — Masayang tinanggap ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang 2022 Anti-Drug Abuse Council Performance at Certificate of Recognition kahapon, Martes, January 31, 2023 sa Luxent Hotel, lungsod ng Quezon City.

Umabot sa 95 functionality points ang nakuha ng lungsod ng Malabon sa pagsasagawa ng 2021 ADAC Performance Audit kung saan kinilala ang pamahalaang lungsod dahil sa pagsisikap na maitaguyod ang anti-illegal drug campaign sa Malabon.

Kaugnay nito ay nakatanggap din ng Certificate of Recognition para sa
pagpasa sa 2021 ADAC Performance Audit Assessment na may score na 90
points ang lungsod.

(Benjamin Cuaresma/Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply