150 bagong mountain bikes ipapatrolya na ng kapulisan ng MPD

150 bagong mountain bikes ipapatrolya na ng kapulisan ng MPD

Benjamin Cuaresma

MANILA — May 150 bagong mountain bikes ang magagamit ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District sa kanilang pagpapatrolya sa lungsod na ito lalo na sa mga eskwelahan mula sa kani-kanilang istasyon.

Ang 100 sa mga bisikletang ito ay ipinagkaloob ng Association of Police Officer’s Lateral Entry ( APOLE ) sa pangunguna ni P/Lt.Col. Rosalino Ibay.

Ang karagdagang 50 bisikleta ay donasyon naman mula sa Chinese Community na kinalap ni Retired P/Maj.Gen. Roberto Rosales na siyang dating MPD director ng Maynila.

Ayon kay MPD Director Gen. Andre “Game Changer” Dizon, ang mga
bisikleta na ito ay ipamamahagi sa 14 na istasyon ng MPD sa Kalakhang Maynila upang magamit sa pagpapatrolya sa kanilang area of responsibilities lalo na sa mga eskwelahan at mga lugar kung saan hirap ang mga mobile car ng kapulisan dahil sa masisikip ang kalye at mabigat ang trapiko.

Sa larawan at video ay makikita na binabasbasan ni MPD Chaplain Rev.
Fr. Joey Escobar ang 150 bisikleta sa quadrangle ng MPD Headquarters sa United Nations Ave., Ermita, Manila.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply