MPD-HPG nagsagawa ng surprise checkpoint sa Maynila

MPD-HPG nagsagawa ng surprise checkpoint sa Maynila

Benjamin Cuaresma

MAYNILA — Sa pangunguna ni Police Captain Rustan Cinco, ang Manila Police District-Highway Patrol Group (MPD-HPG) ay nagsagawa ng surprise check sa kahabaan ng Kalaw Avenue sa lungsod na ito kung saan nabulaga ang ilang mga motoristang may mga paglabag.

Maraming motorista ang nasita at natikitan lalo na yaong gumagamit ng borloloy blinkers, improvised plates, mga kolorum, at mga sasakyang nagpalit ng kulay na hindi nakarehistro.

Layunin ng MPD-HPG na mabigyan ng babala ang mga motoristang
lumalabag sa batas, at ito ay hindi nila kailanman pahihintulutan, ayon kay Cinco.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply