330 pamilya tumanggap ng P3K cash ayuda mula sa AICS sa Malabon

330 pamilya tumanggap ng P3K cash ayuda mula sa AICS sa Malabon

MALABON City — Umabot sa P3,000 na halaga ng tulong pinansyal ang naipamahagi sa may 330 na pamilya ngayong Lunes (20 Pebrero 2023) dito sa sa isang covered court sa Barangay Potrero ng lungsod na ito.

Ang cash ayudang ipinagkaloob ay mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na galing sa Department of Social Welfare and Development na pinadadaan sa local government unit.

Sa naturang pagtitipon, inasistihan din ni Malabon mayor Jeannie Sandoval si Senador Loren Legarda at si President and Medical Director Dr. Aivee Teo sa pamimigay ng iba’t-ibang klaseng plastic bayong na gawa ng mga residente ng Malabon kasunod ng isinagawang Lingkod Loren Medical Mission.

Benjamin Cuaresma/Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply