P150-M halaga ng smuggled agri products kinumpiska ng BOC

P150-M halaga ng smuggled agri products kinumpiska ng BOC

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Tinatayang aabot sa P150 milyon na halaga ng smuggled agricultural products kagaya ng bawang at sibuyas ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan.

Ang utos ni Commissioner Bienvenido Rubio na paigtingin ang kampanya laban sa iligal na pagpupuslit ng agricltural products ay nagresulta agad sa pagkumpiska sa naturang mga produckto sa 24 warehouses sa Tondo at Binondo, Maynila at sa Malabon.

Kumambyo naman ang mga may-ari ng mga warehouse sa pagsasabing iba ang nagmamay-ari sa agri products na natagpuan sa kanilang imbakan. Ayon sa mga ito, ipinatago lamang sa kanila ang naturang mga produkto.

Dahil walang maipakitang kaukulang dokumento, kinumpiska ang mga ito ng pinagsanib na mga tauhan ng BOC, Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group at Philippine Coast Guard sa bisa ng Letter of Authority (LOAs).

Sa ngayon ay bantay-sarado ang mga warehouses upang maiwasan na maipuslit ang mga ito ng mga may-ari ng storage facilities.

Ang Action Team Against Smugglers ng BOC ang mag-iimbestiga sa mga nasabat na smuggled na sibuyas at bawang kung saan nagmula at paano nakarating sa mga warehouse at sila na rin ang magsasampa ng kaukulang kaso.

(Amado Inigo/MTVN)

Photo courtesy of BOC

Leave a Reply