Bagong tulay sa Aborlan, Palawan binuksan na

Bagong tulay sa Aborlan, Palawan binuksan na

Photo courtesy ng DPWH

Ni Benjamin Cuaresma

PUERTO PRINCESA,PALAWAN — Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), madadaanan na ang 30-lineal metrong tulay na proyekto rito at magiging mas madali na ang biyahe ng mga motorista at local produce ng mga panindang gulay sa Barangay Apuran,
Munisipalidad Aborlan, Palawan.

Sa ipinadalang report ni DPWH Region IV-B Director Gerald A. Pacanan kay DPWH Sec. Manuel Bonoan; ang bagong tulay sa kahabaan ng Aramayan-Berong-Puerto Princesa road ay malaya nang madadaanan ng mga tao pati na ng kanilang mga kalakal at mga serbisyo, gayon din ng mga motorista.

“This new ‘Hilipad Bridge’helps lessen accidents and road inconveniences, therefore increasing the potential for economic and tourism development in the area,” wika ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.

May dalawang lanes ang nasabing proyekto na kinabibilangan ng anim na metrong semento sa magkabilang panig nito, may solar lights at monodirectional marker, reflectorized thermoplastic ang sementadong kalsada nito at meron din itong metal guardrails.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply