PBBM hindi dapat makialam sa pag-amyenda ng Saligang Batas — Sen. Padilla

PBBM hindi dapat makialam sa pag-amyenda ng Saligang Batas — Sen. Padilla

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Walang papel si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa planong baguhin ang Saligang Batas.

Ito ang pahayag ni Sen. Robin Padilla sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules tungkol sa binitawang opinion dati ni Pangulong BBM sa isyu na aniya ay hindi niya prayoridad ang Charter change.

Si Padilla, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments
and Revision of Codes, ay nagsabi rin na hindi dapat makialam ang Pangulo sa pag-amyenda ng Saligang Batas dahil hindi naman ito mandando
ng Pangulo ng bansa.

Eksklusibo aniyang tungkulin ng Mataas at Mababang Kapulungan ng
Kongreso ang pagbabago sa Saligang Batas.

Sa ngayon aniya ay mahalagang mabago ang economic provision ng 1987
Constitution at bigyan ng pagkakataon na makapasok ang foreign investment sa bansa.

Ginawa na aniya ito ng China, Vietnam, Singapore, Malaysia, Thailand,
Cambodia, Indonesia kaya nagkaroon ng progreso, pag-unlad sa mga
nasabing bansa.

Pinaliwanag pa ni Padilla na hindi na dapat mag-alala ang taumbayan
dahil hindi na bago ang pagbabago sa Konstitusyon ng Pilipinas, na
sinimulan noon pang 1935 Constitution, 1971 na naging parliamentary
hanggang sa magkaroon ng 1987 Constitution.

Tatlumpu’t pitong taon na rin aniya ang nakararaan mula nang
binalangkas ang 1987 Constitution ngunit wala pa ring nagbago sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Ngayon aniya ay mas maraming mahirap,
maging ang battlecry na galunggong ay ini-import na ngayon.

Sinabi rin ng senador na obsolete at kung baga sa tubig ay nilulumot
na ang ating Saligang Batas at hindi na angkop sa kasalukuyang
panahon.

Kung may pera man aniya ang Pilipinas, ito ay dahil sa punumpuno na
ng utang ang bansa wika pa ng senador.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply