Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela at utility providers Converge ICT Solutions Inc., PLDT Telecommunication Company, Manila Electric Company at Globe Telecom, inilunsad nitong Huwebes (23 Feb 2023) ang “Oplan Linis Ganda Cable” sa lungsod.
Ang proyekto ay isinagawa sa utos ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian upang tiyakin ang kaligtasan sa mga kalye alinsunod sa pagpapaganda ng kapaligiran, pagsasaayos ng mga nakalawit na kable ng kuryente at komunikasyon, at pagbawi ng mga pampublikong espasyo.
(Benjamin Cuaresma/Amado Inigo/MTVN)