Nagsagawa ng kilos protesta nitong Sabado ang grupong “Covid Call To Humanity, One Dakila, Gising Maharlika, Concerned Doctors and Citizens of the Philippines” sa harap ng Senado sa Pasay City kung saan mariin nilang ipinakita ang kanilang pagtutol kontra sa Senate at House Bill 1869.

Nakasaad sa naglalakihang placards ang kanilang pagtutol sa naturang panukalang batas: “Not To Depopulation Through Mandatory Vaccinacion at No To World Health Dictatorship.”
(Benjie Cuaresma/Amado Inigo/MTVN)