Sen. Bato hindi pabor na ipagbawal ang fraternity, sorority sa bansa

Sen. Bato hindi pabor na ipagbawal ang fraternity, sorority sa bansa

Ni Benjamin Cuaresma
March 1, 2023

MANILA — Hindi pabor si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na ipagbawal ang mga fraternity o sorority sa mga eskuwelahan o unibersidad sa bansa.

Ang pahayag ni Dela Rosa ay kasunod ng hinihinalang pagkamatay ng third year chemical student ng Adamson University na si John Matthew Saliligid dahil sa hazing.

Sa Kapihan sa Manila Bay Media Forum, sinabi ni Dela Rosa na dapat magsilbing police ang mga fraternity at sorority sa kanilang hanay upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay.

Iginiit din ni Dela Rosa na mayroong batas laban sa hazing kaya ang kailangan na lamang ay maging proactive ang mga eskuwelahan sa pagpapatupad ng batas.

Si Dela Rosa ay nagtapos sa Philippine Military Academy o PMA kung saan ilang kadete na rin ang nagbuwis ng buhay dahil sa sinasabing hazing.

Ngunit tumanggi namang magsalita ang senador nang tanungin kung kailangang sumailalim nga sa hazing ang isang estudyante o kadete.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply