Isa pang suspect sa fatal hazing incident sumuko

Isa pang suspect sa fatal hazing incident sumuko

Isa pang suspect sa fatal hazing incident sumuko

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Nasa kamay na ng mga awtoridad ang isa pa sa 15 estudyanteng sangkot umano sa hazing na nagdulot ng pagkamatay ng isang chemical engineering student ng Adamson University kamakailan.

Ang katawan ng biktimang si John Matthew Salilig ay ibinaon sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite nitong Martes ng umaga (28 Feb 2023).

Kinilala ang suspek na si Daniel Perry Delos Santos, 23, estudyante rin ng Adamson University at nakatira sa Block 12, Lot 34, Chateau Ville 2, Barangay Julugan 8, Tanza, Cavite.

Dakong alas-1:30 ng hapon (March 2, 2023) nang sumuko ang suspek sa Office of the Governor sa Provincial Capitol sa Trece Martires City.

Si Delos Santos ay iniharap muna kay Cavite Governor Jonvic Remulla Jr. bago ito itinurnover kay Cavite Provincial Police Office Director PCol. Christopher Olazo.

Ayon kay PCol. Olazo, ang suspect ay nakipag-ugnayan sa ilang opisyal ng Tanza upang lumutang at harapin ang kinasangkutang kaso ng pagkamatay ni Salilig.

Nangamba sa kanyang sariling kaligtasan ang suspect matapos na maaresto ang ilan nitong kasamahan sa Tau Gamma Phi fraternity na nagtulak
sa kanya na sumuko na lamang, wika pa ni PCol.Olazo.

Dagdag pa ni Olazo na si Delos Santos ang tumayong master
initiator at kasama sa pagbaon sa labi ng biktima sa Imus, Cavite.

Matatandaan na nitong Martes ng umaga nang matagpuan ang bankay ng biktima matapos na maaresto si Tung Cheng Teng y Benitez (21),
estudyante ,sa Binan City na siyang nagturo kung saan nila ibinaon ang bangkay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, lumalabas na 15
ang mga suspect sa hazing at ang ilan sa kanila ay nasa kustodiya
na ng Biñan City Police. (Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply