Fire Prevention Month ipinagdiwang sa Malabon Zoo

Fire Prevention Month ipinagdiwang sa Malabon Zoo

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Ang kahalagahan at kaligtasan ng buhay ay hindi lamang para sa tao kundi pati rin sa mga hayop.

Ito ang dahilan kung kaya pinangunahan ni Manny Tangco at ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month (Marso) kasama ang isang giant Reticulated Python na nagngangalang “MAMBA” para sa taunang aktibidades sa Malabon Zoo.

“Ang aktibidad na ito ay bilang paalala sa mamamayan ang kahalagahan ng pagliligtas ng buhay laban sa sunog na hindi lamang para sa mga tao kundi pati rin sa mga hayop,” wika ni Manny Tanco na siyang nagmamay-ari ng pamosong kanlungan ng iba’t ibang uri ng hayop sa Metro Manila. (Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply