Booster pumps inihahanda na ng DPWH para sa tag-ulan, pagbaha

Booster pumps inihahanda na ng DPWH para sa tag-ulan, pagbaha

Ni Benjamin Cuaresma
March 3, 2023

MANILA — Ang pagtatalaga ng mga bagong booster pumps sa Estero de San Miguel at Mendiola Street sa lungsod na ito ay kasalukuyang minamadali na ng
Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtayo upang maiwasan ang pagbaha sa mga naturang lugar sa darating na tag ulan.

Ayon sa ulat ni DPWH-Nation Capital Region Director Loreta M. Malaluan, ang
mga proyekto ng booster pump ay may alokasyon na P100 million para sa Phase 1 at isa pang P100 million para naman sa Phase 2.

Halos 70 porsyento nang kumpleto ang unang booster pump kasama na
ang ibang kagamitan nito at inaasahang matatapos sa taong kasalukuyan.

Samantala, ang isa namang booster pump at ang mga kagamitang pantulong dito na nakalaan para Phase 2 ay kasalukuyan nang inihahanda.

Ang mga booster pumps ay inaaasahang mag-discharge ng isang cubic meter kada-segundo ng tubig-baha at malaking tulong ang mga ito upang maiwasan
ang pagtaas ng tubig at baha sa Estero de San MIguel.

“The installation of booster pumps is being implemented in Metro Manila
along with various structural and non-structural measures to mitigate flooding
of major roads during the rainy and typhoon season,” wika naman ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan.

(Amado Inigo/ MTVN)

Leave a Reply