Ni Benjamin Cuaresma
March 5. 2023
MANILA — Muntikanan nang mahulog sa isang creek sa Pandacan, Maynila sa gilid mismo ng riles ng tren ang isang kotse nang ito ay mabalahaw at magdulot ng pagkaantala sa mga dumadaang tren nitong Linggo (05 Marso 2023).
Ngunit dahil sa isang mapagkawanggawang mamamayan, na hindi nag-atubiling lumapit sa himpilan ng kapulisan tungkol sa nangyaring aksidente, naalis agad ito at malayang nagpatuloy ang daloy trapiko ng mga tren at mga sasakyan.
Nakilala ang mga sakay ng puting kotse na isang Ford na isang Chinese-Malaysian national na nagngangalang Wiselie, 28, nakatira sa 106- L.P. Leviste, Bel Aire, Makati City at kasama nitong babae na nagngangalang
Judy Adriano, 27, residente ng Harrison Mansion, F.B. Harrison, Pasay City.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-4:20 ng umaga nitong Linggo, ang naturang kotse na may plakang WEQ 468 at bumabagtas papuntang Makati ay aksidenteng nabalahaw sa riles ng tren sa may Beata St., Pandacan PNR Station.
Sa tulong ng Metro Manila Development Authority (MMDA), naalis ang kotse sa pagkabalahaw gamit ang isang crane.
Pawa namang idineklarang ligtas ang mga sakay ng puting kotse.
Makikita sa video ang pangyayari ng insidente.
(Photo and video courtesy of MPD PIO PRESS/AI/MTVN)