Nasa larawan ang mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUV) na bitbit ang sari-saring placard habang nagsasagawa ng kilos-protesta sa unang araw ng kanilang transport strike sa Monumento Circle,Caloocan City.
Tinututulan ng mga tsuper ng traditional jeepney ang PUV Modernization Program ng pamahalaan na naglalayong palitan ng makabagong sasakyan ang mga tradisyonal “Sarao” jeepneys sa bansa.

Dahil nakapaghanda ng kani-kanilang mga libreng-sakay ang iba’t-ibang lungsod ng Metro Manila, hindi gaanong naapektuhan ang commuters sa naging tigil-pasada at protesta ng mga tsuper o dahil na rin sa nakagawian na ngayong work from home (WFH) setup ng mga kumpanya.
(Benjamin Cuaresma/Amado Inigo/MTVN)