Karampatang paghahanda sa ‘The Manila Film Festival’ sinimulan na

Karampatang paghahanda sa ‘The Manila Film Festival’ sinimulan na

Ni Benjamin Cuaresma
March 7, 2023

MANILA — Sobrang bilis ang usad ng mga araw kung kaya’t sinimulan na ang karampatang paghahanda sa “The Manila Film Festival (TMFF).”

Panay-panay na ang meeting at diskusyon sa pagitan nina Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto at ng mga kumakatawan ng grupong teknikal ng TMFF para sa preparasyon sa paglulunsad nito kaalinsabay sa selebrasyon ng Araw ng Maynila ngayong darating na Hunyo 24, 2023.

Sa nakaraang usapan nina Vice Mayor Servo at ng mga grupong teknikal ng TMFF nitong Pebrero 23, 2023 ay inilatag ang mga preparasyon at mga plano tungkol sa tamang oras ng pagsumite ng mga kalahok ng iba’t-ibang eskwelahan ng kanilang mga orihinal na screenplays.

Napag-usapan din ang mga tamang petsa ng pagsusuri ng mga orihinal na screenplays at ang screening nito sa Manila theaters sa mismong selebrasyon ng Araw ng Maynila (June 24, 2023).

Ayon pa kay Nieto, ang pagdiriwang na ito ay upang magbigay inspirasyon sa mga Manileños, lalo na para sa mga kabataang
mahilig sa cinematography at upang madevelop na rin ang kanilang mga talento sa paggawa ng mga pelikulang Pilipino at upang lumahok na rin tuwing anibersaryo ng Araw ng Maynila na ginaganap taun-taon tuwing buwan ng Hunyo.

“Gusto po naming bigyan ang magandang saysay at karagdagang kasiyahan ang nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Maynila, sa pamamagitan ng maayos na pag-buhay muli ng Manila Film Festival,” wika pa ng award-winning aktor at Vice Mayor ng lungsod ng Maynila.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply