PNPA cadets may sahod na’t karagdagang benepisyo pa alinsunod sa SB 1596

PNPA cadets may sahod na’t karagdagang benepisyo pa alinsunod sa SB 1596

MANILA– Gumagana na ang panukalang karagdagang benepisyo para sa mga kadete ng
Philippine National Police Academy ayon kay Police Lieutenant Colonel Louie Gonzaga, PNPA Information Office Chief nitong Miyerkules (08 Marso 2023).

Sinabi ni Gonzaga na noon pang Pebrero ay natanggap na ng mga kadete ang kanilang dagdag benepisyo gaya ng monthly salary na katumbas ng isang pulis na may ranggong Police Executive Master Sergeant, at mga allowance na kapantay ng regular government employee.

Ang pagbibigay ng benepisyo at sweldo sa mga kadete ay alinsunod sa Senate Bill No. 1596 o ang PNPA Cadet Act na naglalayung dapat ikonsidera bilang government employee ang mga kadete ng akademya.

Samantala, inanunsyo naman ni Gonzaga na 208 PNPA cadets ang magtatapos ngayong Biyernes, 10 Marso 2023, kung saan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang guest speaker.

(NICE CELARIO/Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply