Ni Benjamin Cuaresma
March 8, 2023
MANILA — Ayon sa isang mataas na opisyal ng Department of Transportation (DOTr), lahat ng mga jeepney na mapi-phaseout dahil sa kalumaan at hindi na pakikinabangan, ay sa pasilidad anya na ilalagay ang pamahalaan mapupunta upang ang mga ito ay baklasin bilang mga scrap metals na lamang.
Ito ang tinuran nitong Miyerkules sa isang media forum ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang pag-scrap sa mga lumang PUV ay bahagi ng transport modernization program ng pamahalaan kung saan papalitan ang mga ito ng mga bagong unit na environment-friendly.
Maglalagay umano ng tamang proseso ang pamahalaan upang maayos at tama ang mga gagawing pagbaklas sa mga nasabing sasakyan sa isang pasilidad at ang kikitain sa mga scrap ay gagamiting dagdag puhunan sa programa, dugtong pa ng kalihim.
Samantala, tinitiyak naman ni Pangulong Marcos na habang isinusulong ang modernisasyon ng mga public utility vehicles ay walang mawawalan ng trabaho matapos na makipagdayalogo ang transport groups kina Presidential Communications office Secretary Cheloy Garafil at sa opisina ni Executive Secretary Undersecretary Roy Cervantes.
Pinasalamatan din ni PBBM ang Piston at Manibela sa kanilang pagsususpindi sa tigil pasada noong Martes.
“Of course, napakaimportante na ligtas ang kanilang mga sasakyan. unti-unti tayong papasok sa kapanahunan ng electric vehicles, subalit ang mga problema yata ng ating mga drivers at operators ay baka hindi sila makautang upang may maipambili ng mga bagong sasakyan, wika pa ni PBBM.
(Amado Inigo/MTVN)