PUVs na mapi-phase out sa scrapyard ang bagsak — Bautista

PUVs na mapi-phase out sa scrapyard ang bagsak — Bautista

Ni Benjamin Cuaresma
March 8, 2023

MANILA – Lahat ng mga jeepney na mapi-phase out dahil sa kalumaan at hindi na
pakikinabangan ay sa pasilidad na ng pamahalaan mapupunta upang ang mga ito ay baklasin bilang mga scrap metals na lamang, ayon sa isang mataas na opisyal ng Department of Transportation (DOTr).

Sa isang media forum noong Miyerkoles ay sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang pag-scrap sa mga lumang PUV ay bahagi ng transport modernization program ng pamahalaan kung saan papalitan ang mga ito ng mga bagong unit na environment-friendly.

Maglalagay, aniya, ng tamang proseso ang pamahalaan upang maayos
at tama ang mga gagawing pagbaklas sa nasabing mga sasakyan
sa isang pasilidad at ang kikitain sa mga scrap ay gagamiting dagdag
puhunan sa programa.

Samantala, tiniyak ni Pangulong Marcos na habang isinusulong ang
modernisasyon ng mga public utility vehicle ay walang mawawalan
ng trabaho matapos na makipagdiyalogo ang transport groups kay
Presidential Communications office Secretary Cheloy Garafil at sa
opisina ni Executive Secretary Undersecretary Roy Cervantes.

Pinasalamatan din ni PBBM ang Piston at Manibela sa kanilang
pagsuspinde sa tigil-pasada noong Martes.

“Of course, napakaimportante na ligtas ang kanilang mga sasakyan.
unti-unti tayong papasok sa kapanahunan ng electric vehicles, subalit
ang mga problema yata ng ating mga drivers at operators ay
baka hindi sila makautang upang may maipambili ng mga bagong
sasakyan,” wika ni PBBM.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply