Rider sablay ang overtake, patay

Rider sablay ang overtake, patay

Ni Benjamin Cuaresma
March 13.2023

Larawan kortesiya ng Newsko

GEN TRIAS CITY — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang motorcycle rider nang ito ay bumangga sa isang nakaparadang jeep matapos na mag-overtake sa isang sasakyan sa lungsod na ito kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si John Ramel Abayon y Gaspar (39) na nakatira sa #62 Don Carlos Revilla St. Pasay City.

Sa ulat ng polisya, minamaneho umano ng biktima ang kanyang motorsiklong
Suzuki Raider 150 dakong alas-2:30 ng madaling araw habang binabagtas ang kahabaan ng Gov. Ferrer Drive sakop ng Brgy Pasong Kawayan 1 sa lungsod na ito nang tangkain nito mag-overtake sa shoulder lane sa isang isang sasakyan subalit nawalan umano ng kontrol sa kanyang manibela at tumama siya sa isang nakaparadang jeepney.

Itinakbo pa rin sa ospital ng mga nakasaksi sa pangyayari ang biktima ngunit kalaunan ay binawian rin ito ng buhay.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply