Ni Benjamin Cuaresma
March 14, 2023
MANILA — Kinumpirma ni San Juan City Mayor at Metro Manila Council (MMC) President Francis Zamora
nitong Miyerkoles na ipatutupad na ang ‘single ticketing’ system sa susunod na buwan.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni
Zamora na umaasa siya na wala nang magiging sagabal pa sa naturang plano kapag ipinatupad ito sa kalagitnaan ng Abril.
Nitong nakaraang dalawang linggo ay walo pa lamang sa mga Metro mayors ang handa na sa gagawing implementasyon ng single ticketing.
Inaasahang maipatutupad ang single ticketing system sa darating na April 15 at magkaroon ng dry run ito pagkatapos ng Holy Week.
Marso 15,2023 naman ang deadline sa pag-amyenda ng ordinansa ng NCR LGUs.
HIndi na, aniya, magiging problema ang bayaran sa mga natitiketang drivers dahil marami nang options kung saan puwedeng magbayad.
Andiyan, aniya, ang digital online banking, online banking ticketing platforms o ang
tradisyonal na bayaran sa mga city hall.
Samantala, sa nakaraang gusot na kinasangkutan ng Metro Manila Development Authority sa Maynila ay puwede namang mag-usap ang mga mayor, paglilinaw pa ni Zamora.
Binanggit din ni Zamora na sa kanyang nasasakupan ay maayos naman ang sistema at wala naman siyang nakitang mga hindi pagkakaunawaan o anumang problema sa mga
operasyon ng MMDA.
(Amado Inigo/MTVN)