Pamunuan ng NBI ‘nag-sorry’ sa media sa hindi magandang inasta ng ahente nito sa isang drug buy-bust ops

Pamunuan ng NBI ‘nag-sorry’ sa media sa hindi magandang inasta ng ahente nito sa isang drug buy-bust ops

MANILA — Usapan ngayon ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mayabang na asta ng isa sa kanilang ahente sa mga kagawad ng media na nag-cover sa ginawang drug operations sa Roxas Boulevard sa Pasay City madaling araw (1:00 am) ng Biyernes.

Ayon sa social media post ng isang “Quad-media,” habang nagsasagawa ng inventory ang NBI Task Force on Anti-illegal Drugs, pinilit umanong papirmahin ng isang NBI agent ang mga media sa inventory report bilang testigo sa ginawang drug operation at upang mayroon umanong media na puwedeng maging witness sa korte.

Pero tumangging pumirma ang mga kagawad ng media sa kadahilanang “hindi naman nila naabutan ang actual operations.”

Ang naabutan lamang umano nila ay nakaposas na ang dalawang Chinese at nakalatag na ang mga nakuhang ebidensiya.

Dahil sa inis ng NBI agent, na iitinago muna ang pangalan, nagtaas umano ito ng boses at dalawang beses na hinila ang beteranong radio reporter ng DZBB 594KHz Super Radyo na si Olan Bola at kinuhanan ng litrato ang ID nito kahit labag ito sa kanyang kalooban.

Nang tangkang kunin ng media ang pagkakakilanlan ng nasabing NBI agent ay lalo itong nagalit at sinigawan ang mga mamamahayag na ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

Hindi pa nakuntento, sinigawan at pinagmumura pa umano ng NBI agent ang mga kawani ng media at isa sa mga ito ay tinawag pa nitong “bakla” dahilan kung kaya lalong nadismaya ang mga mamamahayag sa ipinakitang ugali ng nasabing NBI agent.

Dahil sa maling trato ng mga taga-NBI, agad nagpulasan sa lugar ang mga kagawad ng media at iniwan ang mga taga-NBI na nagsasagawa ng imbentaryo ng mga sandaling iyon.

Alam ng mga mamamahayag na walang batas na nagsasabing obligado ang media na pirmahan ang anumang mga imbentaryo na isinasagawa ng anumang law enforcement group.

Dahil sa nangyari, agad nagpalabas ng official statement of apology ang NBI sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page.

Tunghayan:

NBI OFFICIAL STATEMENT:

The National Bureau of Investigation offers its apology to the members of the media regarding the incident that transpired at dawn today (Friday) involving the drug operation in Roxas Boulevard. While we try to observe the standard operating procedures, given the technicalities in the conduct of field operations, the actions of some of our agents may have offended some media members.
Nonetheless, we are looking into the matter and we are taking steps to ensure that this kind of behavior does not happen again.
“We appreciate the role of media in drug-related operations and commit to maintaining a fair and professional relationship with them.”

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply