Navotas nakiisa sa selebrasyon ng World Water Day

Navotas nakiisa sa selebrasyon ng World Water Day

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Kaugnay ng paggunita sa World Water Day, nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng lungsod ng Navotas ng coastal cleanup, partikular sa Barangay San Roque.

Kabilang sa mga nakilahok sa paglilinis ang mga kawani ng CENRO at ng Brgy. San Roque, mga mag-aaral at guro mula sa San Roque National High School at Filemon Lizan Senior High School, at mga boy at girl scouts mula sa iba’t ibang paaralan.

Lumahok din sa cleanup ang mga kapulisan ng Navotas, Bureau of Fire ng Navotas,
Estero Rangers ng DENR, at mga benepisyaryo ng TUPAD.

Nagbigay naman ng tubig na inumin ang Maynilad Water Services Inc. para sa mga nakilahok sa cleanup.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply