P4.9-M halaga ng sigarillo nasabat sa Zambo port

P4.9-M halaga ng sigarillo nasabat sa Zambo port

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Nasabat ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga ang isang motorized wooden vessel na may laman na hindi mga dokumentadong sigarilyo.

Ang nasabong mga sigarilyo ay tinatayang aabot sa halagang P4.9 milyon.

Ayon sa BOC, nasabat ng Enforcement and Security Service (ESS) and Customs Intelligence and Investigation Service at PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company ang bangkang “Jungkong” kamakalawa sa dalampasigan ng Barangay Arena Blanco, Zamboanga City.

Sakay ng bangka ang apat na crew na residente ng Parang, Sulu kung saan nagmula sila sa Jolo patungong Zamboanga City.

Sa pagsisiyasat, bigong makapagpakita ng legal na dokumento ang mga crew ng barko kaya’t agad na kinumpiska ang mga sigarilyo. Isinailalim na sa imbestigasyon ang mga crew.

Ang nasabing hakbang ng Customs ay batay na rin sa kautusan ni Commissioner Bienvenido Rubio na patuloy na labanan ang mga magtatangka magpuslit ng iligal na kargamento sa ilalim na rin ng kanilang mas pinalakas na kampaniya kontra smuggling sa bansa.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply