Ni Benjamin Cuaresma
MANILA – Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang siyang nanguna sa ceremonial turnover ng may 1,380 na housing units sa St. Gregory Homes, Barangay Panghulo, lungsod ng Malabon nitong Lunes ((Marso 27, 2023).
At syempre pa, dumalo rin si Malabon Cty Mayor Jeannie Sandoval at umasiste kay PBBM sa pamimigay ng mga Certificates of Eligibility of Lot Allocation (CELA) sa mga pamilya ng mga informal settlers na nakatira sa mga gilid ng ilog at mga lugar na itinuturing na mapanganib lalo na kung may pagbaha.
Kasama ring nabiyayaan ang mga iba na nakatira sa mga lugar na naapektuhan ng mga pumping stations na proyekto ng Department of Public Works and Highways.
Sa kanyang talumpati, nananawagan si PBBM sa National Housing Authority, at Department of Human Settlements and Urban Development na suportahan ang mga Pilipinong walang tahanan na magkaroon ng maipagmamalaki nilang sariling bahay.
(Amado Inigo/MTVN)