Ni Benjamin Cuaresma
CASIGURAN, AURORA — Sa pagbubukas ng bagong Pasaruboy Bridge na nag-ko-konekta sa komunidad ng Cozo ng San Ildefonso Peninsula at ilog ng Cozo sa bayang ito ay magiging madali na ang byahe pati ng mga panindang ani gayun din sa mga nagnanais makarating sa mga nag-gagandahang beach resorts dito.
Ayon sa report ni Director Roselle A. Tolentino, ng Department of Public Works and HIghways (DPWH) Regional Office 3 kay DPWH Sec. Manuel M. Bonoan,
ang 75-metrong lapad ng tulay ng Pasaruboy ay pwede nang madaanan papuntang Brgy.Coso at San Ildeponso.
Ang bagong gawang tulay ay may 412.95 metro ang haba na Abutment A at 125.67 metro naman ang abutment B.
Ayon kay DPWH Sec Bonoan,ang 362.3 metrong kongkretong istraktura ay may suporta rin upang mapigilan ang pag-guho ng lupa at maprotektahan ang mga pier ng tulay.
“The lack of a reliable bridge in the area pushed residents of Barangay San Ildefonso to risk their lives crossing the river, which is usually impassable during high tide, just to get to the adjacent barangay or town center of Casiguran,”
wika pa ni Sec. Bonoan.
Ang Pasaburoy Bridge ay ipinatupad ng DPWH Aurora District Engineering Office (DEO) at pinondohan ng halagang P89.9M mula General Appropriations (ACTS) GAA nitong nakaraang taon (2022).
(Amado Inigo/MTVN)