Ni Benjamin Cuaresma
MANILA — Isang kasambahay ang nailigtas matapos itong magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-anim na palapag ng kanyang pinapasukang gusali sa 864 Alvarado Street, Binondo, Maynila.
Ayon sa pag-iimbestiga ng MPD, dakong alas-8 ng umaga ng Biyernes (March 31,2023) ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na may nakita umano na isang babae na nakaupo sa gilid ng gutter ng isang gusali
sa ikaanim na palapag at tangkang magpakamatay.
Agad namang rumesponde ang mga kapulisan ng Manila Police District at mga tauhan ng Bureau of Fire Potection upang sagiping ang 22-anyos na dalagang kasambahay na pinangalanan lamang ng mga imbestigador na alias “Gina.”
Matapos ang negosasyon sa pagitan ng kasambahay at mga pulis ay maayos namang na- rescue ang dalaga.
Agad namang tinakbo ang dalaga sa isang pagamutan upang ito ay masuri.
(Amado Inigo/MTVN)