Ni Benjamin Cuaresma
MANILA — Isang motocycle rider ang hindi na umabot
ng buhay sa ospital matapos na makabanggaan nito ang isang
rumaragasang Toyota Hi-Ace van madaling araw ng Linggo (April 2, 2023) sa Barangay Sampaloc ng lungsod na ito.
Ayon kay Manila Police District imbestigador na si PCMS
Ericson M. Calazan, nakilala ang biktima na isang ngangangalang Nathan Rey
Nulud, 22 anyos, binata, ng #1857, Dapdap Steet, Sta. Cruz, Maynila
at isang kawani ng gobyerno.
Ang kabangaan naman nito na isang Hi-Ace van na may plate number na
VAA 4127 ay minamaneho ng isang nagngangalang
Jess Selosa y Nalleca, 53-taong-gulang ng Mabuhay Roxas,
Oriental Mindoro.
Base sa pagi-imbestiga ng MPD Police, tinatahak diumano ng biktima ang
kahabaan ng M. Dela Fuente St. sa panulukan ng P. Florentino St.
Sampaloc, Maynila nang magkasalpukan ang van at motorsiklo.
Sa lakas ng banggaan ng dalawang sasakyan ay tumilapon ang rider pati
ang kanyang motor na humampas pa sa isang poste.
Naitakbo pa ang biktima sa Jose Reyes Hospital sa Sta. Cruz, Maynila
ngunit ito ay dineklarang Dead on Arrival (DOA) ayon sa Doctor ng
nasabing pagamutan.
Mahaharap naman ngayon ang driver ng van sa kasong Reckless
Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property sa tanggapan
ng Manila Prosecuters Office. (Amado Inigo/MTVN)