PNP nagsagawa ng ‘Bisikleta Iglesia’

PNP nagsagawa ng ‘Bisikleta Iglesia’

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Sa pangunguna nina National Capital Region Police Office Regional Director PMGen Edgar Alan Okubo at Manila Police District Director PBGen Andre Dizon, nagsagawa ang kapulisan ng “Bisikleta Iglesia” noong Biyernes Santo bilang penitensiya at masiguro ang kaligtasan ng komunidad nitong Holy Week.

Maliban sa dawalang matataas na opisyal ng PNP, nakisama rin sa naturang aktibidad sina PBGen Jack Wanky, PBGen Kirby John Kraft at mga volunteers na mga bicycle enthusiasts.

Tinahak ng grupo sa pagi-inspeksiyon ang mga matataong lugar tulad ng Manila Cathedral , San Agustin Church, Quiapo Church, Sta. Cruz Church at ilan pang mga mahahalagang lugar sa Kamaynilaan.

“The MPD is always prepared and vigilant in maintaining the peace and order in our community in order to pre-empt crime perpetrators during the Lenten Season and summer vacation,” wika ni PBGen Dizon.

Ayon pa sa MPD, tuwing umaga ay nagsasagawa diumano ang kapulisan ng mga bicycle patrols at tuwing hapon naman ay ang mga motorcyce patrols mula nang maupo si PBGen Dizon bilang MPD Diretor noong nakalipas na taon.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply