Ni Benjamin Cuaresma
MANILA — Kinumpirma nitong Lunes (10 April 2023) ng Philippine Coast Guard na isang full tank na lang ang natitirang industrial na langis na laman ng lumubog na barkong MT Princess, Empress, ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Rear Admiral Arman Balilo.
Posible, aniya, na nasa 300 litro na lamang ang natitirang laman ng tanker na MT Princess Empress.
Ayon pa kay Admiral Balilo, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang opisyal na ulat
na lalabas bukas (Martes, 11 April 2023) hinggil sa mga gagawing bagong operasyon.
Idinagdag pa ni Balilo na hindi nagpapabaya at walang patid sa pagresponde ang kanilang tanggapan sa isyu ng oil spill na dulot ng lumubog na tanker.
Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro noong Febrero 28, 2023 at ito ay nagdulot ng malawakang oil spill sa mga karagatan ng karatig-probinsiya ng Antique, Batangas, Oriental Mindoro at Palawan.
Ang MT Princess Empress ay may lamang 800,000 litrong industrial oil na sumalanta rin sa mga mangrooves, coral reefs at seagrass beds.
Nagdulot rin ito pinsala sa kabuhayan ng mga mangingisdang nakatira sa mga
baybaying dagat ng nasabing mga probinsya.
(Amado Inigo/MTVN)