Nabundol ng isang Toyota Fortuner ang sinasakyang motor ng isang mag-asawa sa panulukan ng Maceda
at Ma.Clara St. sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkules. Sa kabutihang-palad hindi naman gaanong grabe ang sinapit nila at agad na dumating ang isang ambulansya upang mabigyan ng paunang lunas ang mga hindi pa nakikilalang biktima at naisugod naman sa pinakamalapit na pagamutan. (Benjamin Cuaresma/Amado Inigo/MTVN)
