Ni Benjamin Cuaresma
MANILA — Sa forum na na ginanap sa Kapihan sa Manila Bay, Malate,Manila nitong Miyerkules ay inihayag ni Comelec Spokesman Atty. John Rex Laudiangco na suportado umano ng ahensya ang Integrity Bill na isinusulong sa kongreso
upang amyendahan ang Omnibus Election Code.
Mahalaga riyan ayon kay Laudiangco, ay ang kadahilanang nabigyan na ang Comelec ng P8.8B pondo upang makapagtayo ito ng sariling gusali at ito ay maaaring abutin mula lima hanggang anim na taon.
Inihalimbawa din ni Laudiangco ang ilang mga tanggapan ng gobyerno na may mga sariling gusali kagaya ng Civil Service
Commission, COA at Commission on Human Rights; maliban na lamang sa kanilang tanggapan (Comelec) na nag-iisang
constitutional institusyon na magpa-hanggang ngayon ay nangungupahan pa rin.
Ayon pa sa ka Laudiangco ang kagandahan ng pagkakaroon ng sariling gusali ay doon na ang warehouse, ang multi purpose
kung saan doon na rin ang main office at masasama na rin ang National Capital Region (NCR) at lahat ay ma-accomodate na.
Mas malaking kabawasan at katipiran sa sa Comelec kumpara sa sila ay mangungupahan.
Samantala, ang mga paghahanda tungkol sa Barangay SK election ay nakakasa na at ang mga gagamiting balota at mga accountable forms ay naka-imprenta na at naka-impake na dagdag pa ni Laudiangco.
Magdagdag na lang ng 1.6 million ballots patungkol doon sa mga bagong registrants at aniya pa, 100% nang ready ang kanilang tanggapan sa deployment.
“Sa July 8, 2023 ay gaganapin ang plebisitong cityhood sa Carmona, Cavite” wika pa ni Atty. Laudiangco.