EXCLUSIVE INTERVIEW: Mayor Ben Magalong nagbigay ng pahayag sa kaso ng SAF 44, ekonomya at lagay ng turismo ng Summer Capital

EXCLUSIVE INTERVIEW: Mayor Ben Magalong nagbigay ng pahayag sa kaso ng SAF 44, ekonomya at lagay ng turismo ng Summer Capital

BAGUIO City — Walong taon na ang nakalilipas subalit hindi pa rin nakakamit ng pamilya ng namatay na 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF 44) ang ganap na hustisya.

Ngunit ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, huwag sana mawalan ng pag-asa ang mga naulila ng mga miyembro ng elite action forces bagkus, manalig lamang sila sa Poong Maykapal at sa gobyerno na makakamit din nila ang hustisya sa lalong madaling panahon.

Magugunitang si Mayor Magalong ay dating hepe ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na siyang nanguna sa imbestigasyon ng “Oplan Exodus.”

Ito ang code name na ginamit ng PNP noon upang likidahin o hulihin ang Malaysian terrorist at bomb-maker na si Zulkifli Abdhir at iba pang matataas na opsiyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Bukod sa naturang usapin, nagbigay rin ng pahayag si Mayor Magalong ukol sa estado ng kanyang lungsod na kagaya ng iba pang local government units (LGUs) ay patuloy na nagsusumikap bumangon sa negatibong epekto ng pandemya na pumilay sa ekonomiya at turismo hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Narito ang eksklusibong panayam ng MaharlikaTV kay Mayor Benjamin Magalong.

Tunghayan.

Leave a Reply