2 vintage bomb nakita sa isang apartment sa Sampaloc, Maynila

2 vintage bomb nakita sa isang apartment sa Sampaloc, Maynila

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Laking gulat na lamang ni Mavin Clark Moreno ng 977 Ma. Cristina Street, Barangay 487 nang sa kanyang paglilinis sa kanilang tahanan ay tumambad sa kanya sa isang sulok ang dalawang vintage na bomba.

Ayon kay Mark, matapos na yumao ang kanyang ama na alam naman niyang mahilig mangolekta ng mga bagay na
magustuhan nito ay hindi niya inakala na may dalawang bomba rin itong naitago.

Agad namang ipinagbigay-alam ni Moreno sa kanilang barangay at sa pinakamalapit na istasyon ng pulis ang natuklasang mga
bomba.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ay napag-alaman na ang nasabing mga bomba ay
mga 81MM mortar at ayon sa mga pulis ay maaaring ilan lang ito sa mga bombang ginagamit sa pagpapasabog
sa minahan na naging trabaho bilang inhenyero ng yumaong ama ni Moreno.

Sa ngayon ay nasa kustodiya nina PSSG Chito De Guzman at Pat. Lowie Batac ng MPD DECU ang mga bomba.

(Photos courtesy of MPD-PIO/AI/MTVN)

Leave a Reply