Kotse, wasak matapos araruhin ang isang malaking puno sa Buendia, lulan na mga Chinese nationals tumakas

Kotse, wasak matapos araruhin ang isang malaking puno sa Buendia, lulan na mga Chinese nationals tumakas

Ni Benjamin Cuaresma
April 15, 2023

MANILA — Wasak ang isang mamahaling kotse matapos na araruhin nito ang isang malaking puno ng Palm Tree sa Macapagal Avenue sa Pasay City kung saan nagsitakasan ang apat na kataong Chinese nationals na lulan nito.

Dahil sa tulin ng takbo ng sasakyan, biglang nawalan umano ng kontrol sa manubela ang driver at sumampa sa center island at inararo na nga nito ang isang malaking Palm Tree na bumagsak naman sa mismong bubong ng kotse na isang mamahaling Audi na may plakang WDI- 306.
.
Sa naging ulat ni Ambrosio “Jun” Payumo, Supervisor ng Pasay City, Nightshift Traffic ay nakita pa umano nito ang mga
sakay na pawang mga lasing na Chinese at hindi rin marunong mag-English nang tanungin ang kanilang pagkakakilanlang.

Hindi naman matiyak kung sino sa apat na sakay ng sasakyan ang siyang nasa manubela nang bumangga ito
ay iniwan na lamang ang sasakyan sa pinagyarihan ng aksidente.

Napag-alamang nanggaling ang sasakyan sa direksiyon ng Buendia Extension bago ito naaksidente.

Tinutukoy na ng mga otoridad kung kaninong pangalan nakarehistro ang naturang mamahaling sasakyan.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply