Nanawagan sa administrasyong Marcos ang iba’t-ibang labor groups na kanya-kanyang naglunsad ng kilos-protesta upang ipatupad na ang “End of Contract” (Endo) Law. Sa paggunita ng Labor Day (01 May 2023), ipinagsigawan din ng mga manggagawa ang karampatang sahod upang sila ay makaagapay at magkaroon ng disenteng pamumuhay, maliban pa sa kaukulang proteksyon sa iba’t-ibang unyon sa bansa. Ang “Endo” Bill o ang “Security of Tenure and End of Endo Act of 2018” ay ipinasa ng Senado noon pang May 23, 2019. (Benjie Cuaresma/Amado Inigo/MTVN)

