Ni Benjamin Cauresma
GEN TRIAS CITY, Cavite — Isang 17-anyos na babaeng estudyante ang hinoldap ng dalawang menor-de-edad sa lungsod na ito noong Linggo ng gabi (07 May 2023).
Agad namang nahuli ang mga batang salarin at nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development (CSWD) at narekober ang iPhone 7 ng biktima at cash na P2,000 libong piso na kanilang nakuha sa biktima.
Sa ulat ni PMsgt.Christopher Dumlao ng Gen Trias City Police ay naglalakad lamang ang biktima sa kanilang subdivision pauwi ng dakong alas-7 Linggo ng gabi nang biglang sumulpot ang mga menor de edad na mga holdaper na nasa edad 15 anyos at 16 anyos at sapilitang tangayin ang kanyang gamit na cellphone at pera, dala ang kanyang bag at iba pang kagamitan.
Agad namang nakapagsumbong ang estudyante sa kanilang Barangay na kung saan ay nagkasa agad ng follow-up operation ang mga kawani ng San Francisco Patrol group na agad namang nahuli ang mga batang holdaper dakong alas-12:55 ng madaling araw ng Lunes (May 8, 2023).
Residente diumano ng Barangay San Francisco ang mga batang suspek.