Ni Benjamin Cuaresma
DASMARINAS CITY, Cavite — Isang senior citizen na nasa listahan ng high value individual (HVI) at isang tulak ang hindi na nakaporma pa nang ito ay nahulihan ng 25 gramo ng shabu sa lungsod na ito noong Huwebes, Mayo 11, 2023.
Kinilala ang suspek na Olimpia Benito, 66, may-asawa ng Block 4, Lot 12, Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa ulat ni Police Corporal Mamol Cunanan ng Dasmarinas City Police, dakong alas-4:50 kamakalawa ng hapon nang
magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial
Office (PPO) at Dasmariñas City Police sa Brgy Datu Esmael, Dasmarinas City, Cavite na nagresulta sa pagka-aresto sa suspek.
Nakuha sa suspect ang may 25 gramo ng hinihinalang shabu at ito ay nagkakahalaga ng P175,500 sa merkado. Nakuha rin ang
buy-bust money.
Kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 ang kinakaharap ngayon na kaso ng suspek na kasalukuyang nakadetine sa Bacoor City Custodial Center. (ai/mtvn)