By Liza Soriano

MANILA — Senator Risa Hontiveros has lauded the Philippine National Police for their prompt response in relieving Pasay City police officers from their positions following the discovery of a sex den close to the police station.

Allegedly, a Philippine offshore gaming operator (POGO) was involved in illegal acts of human trafficking near the police station.

“It’s hard to believe that such blatant torture and prostitution were occurring in a large building, and they were unaware of it? It’s impossible,” Hontiveros remarked.

The Committee on Women will conduct an on-site inspection of the building on Friday to assess the extent of the issue, the senator added.

“We extend our gratitude to the Presidential Anti-Organized Crime Commission, the Inter-Agency Council Against Trafficking, and the PNP Women and Children Protection Center for leading the raid that exposed the illegal activities in this POGO and for rescuing the victims of human trafficking,” Hontiveros expressed.

Earlier, PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo stated that the Pasay Police chief is under investigation for possible neglect of duty, considering that this Pogo establishment has been operating for a significant period.

“How is it possible that they did not detect the presence of illegal activities in the area?” Fajardo previously questioned.

(ai/mnm)

NAKAKUHA ang Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senador Win Gatchalian ng sapat na suporta para sa panawagan nito na paalisin na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa at mapalago ang ekonomiya.

“Isa itong mahalagang hakbang para mapigilan ang paglaganap ng krimeng nagmumula sa ilang kompanya ng POGO. Inaasahan natin na maabot ang ating layunin na mapanatili ang kaayusan sa bansa, na siyang magdudulot ng paglago ng ating ekonomiya,” wika ni Gatchalian pagkatapos niyang ihain ang Committee Report No. 136 na naglalaman ng rekomendasyon.

Sa nakalipas na ilang buwan, isinusulong na ni Gatchalian ang pagsasara ng mga POGO sa bansa at naninindigan ito na anumang kita na nakukuha sa industriya ay hindi katumbas ng napakalaking ginugugol ng gobyerno sa paglaban sa mga krimen na nauugnay sa mga POGO.

Ang committee report ay nananawagan para sa pagpapatibay ng isang resolusyon na humihimok sa executive department na itigil na ang operasyon ng mga POGO sa bansa. Ito ay naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino at mapanatili ang paglago at pag-unlad ng bansa alinsunod sa mga repormang pang-ekonomiya ng administrasyon.

Sa ilalim pa rin ng committee report, hinihimok ni Gatchalian ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maghanap ng alternatibong trabaho para sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa mga POGO. Maaari silang makahanap ng trabaho sa industriya ng Information Technology Business Process Outsourcing (IT-BPOs) at manufacturing sa pamamagitan ng wastong koordinasyon.

Hinihimok din ng committee report ang Bureau of Immigration (BI) na kanselahin at bawiin ang mga working visa na ibinibigay sa mga dayuhang nagtatrabaho sa kompanya ng POGO at ipatupad ang kanilang deportasyon alinsunod sa mga patakaran at regulasyon ng ahensiya.

“Malinaw sa datos na ating nakalap nitong mga nakaraang buwan na ginagamit ng mga kawatan ang POGO para makapagsagawa ng mga krimen na kinabibilangan ng human trafficking, at iba pang investment tulad ng crypto-currency at love scam,” sabi ni Gatchalian.

Umabot na sa 4,355 ang kabuuang bilang ng mga biktima ng POGO-related crimes na may kabuuang 903 perpetrators mula Enero 2017 hanggang Hunyo 30 ng taong ito, batay sa inilabas na ulat ng Philippine National Police. Ayon sa PNP, ang mga krimeng nagawa sa naturang mga insidente ay kinabibilangan ng human trafficking, forcible abduction, homicide, illegal detention, kidnapping-for-ransom, theft, robbery-extortion, serious physical injuries, swindling, grave coercion, at iba pa.

(Jr Amigo/ai/mnm)