By Nice Celario

ISA na namang estudyante ang nasawi sa hazing.

Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Aldrin Bravante, 25, at 4th year Criminology student sa isang abandonadong gusali sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police, nakita ang mga pasa sa hita at mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ngbbiktima.

Oktubre 16 ng hapon nang maisugod sa ospital ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD, nagkaroon ng initiation rites ang biktima sa grupong Tau Gamma Phi kasama ang iba pang miyembro nito.

Naganap umano ang initiation rites sa isang abandonadong gusali alas-2 ng hapon nitong Lunes.

Kalaunan ay nahirapang huminga si Ahldryn at nawalan ng malay kaya isinugod sa ospital ng dalawa niyang nakasama sa initiation rites.

Alas-6 ng gabi nitong Lunes nang ideklarang dead on arrival ang biktima.

Samantala, apat katao na umano’y person of interest ang sumuko sa mga awtoridad.