ISANG kilos-protesta ang isinagawa ng Alliance of Health Workers sa harap ng tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Avenida Avenue, Sta. Cruz, Manila nitong Lunes, November 13, 2023.

Iba’t ibang grupo ng health workers ang sama-sama na nagsagawa ng demonstrasyon na pinangunahan ng AHW upang ipanawagan ang kanilang mga hinaing sa administrasyong Marcos, kabilang ang hindi pagbibigay ng kanilang Health Emergency Allowance (HEA) noong kasagsagan ng pandemya.

Makikita sa larawan at video ang mga nagpoprotestang grupo ng health workers at dala ang malalaking banners na nagsasaad ng kanilang mga kahilingan sa gobyerno.

(Benjamin Cuaresma/ai/mnm)