MANILA — Alas-7 pa lamang ng umaga nitong Linggo, bisperas ng Pasko, ay dagsa na ang mga mamimili ng mga prutas sa Mayon Street, Quezon City, na malapit sa Welcome Rotunda.
Sa pag-iikot at panayam ng MnM sa mga tindera ay napag-alamang halos hindi na maabot ang taas ng presyo ng mga prutas at bad news pa rin, mas tataas pa umano ang presyo ng mga ito ngayong papasok na Bagong Taon. Sa ilang tindahan, nasa P400 na ang isang kilo ng ubas.
At dahil nga sa taas ng presyo, “medyo matumal”, iika nila, ang bentahan ngayon ng mga prutas kumpara noong nakaraang taon.
Tunghayan ang potograpo at video ng naging panayam ng MnM sa mga tindera ng prutas sa nabanggit na lugar.
(Benjamin Cuaresma/IAMIGO/MNM)